Higit 640K DepEd personnel, magsisilbing poll workers

Higit 640K DepEd personnel, magsisilbing poll workers

April 29, 2022 @ 8:06 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Mahigit 640,000 mga tauhan ng Department of Education (DepEd) ang magsisilbi sa halalan sa Mayo 9.

Sabi ni Election Task Force (ETF) Head Atty. Marcelo Bragado, Jr. nasa 647,812 DepEd personnel ang magsisilbing poll workers kung saan 319,317 dito ay magsisilbing miyembro ng Electoral Boards (EB), habang 200,627 bilang EB support staff.

Nasa 38,989 naman ang tatayong DepEd Supervisor Official (DESO), 87,162 ang DESO support staff, at 1,717 anhg DepEd members of the Board of Canvassers.

Iniulat din ni Bragado na mayroong 106,439 clustered precincts mula sa 37,219 polling centers of schools sa buong bansa.

Tiniyak naman ni Education Secretary Leonor Briones, ang pagbibigay ng kinakailangang tulong sa mga field offices at mga eskwelahan.

“We want our personnel to be equipped with adequate information and technical and legal assistance along the way,” ani Briones.

“During the upcoming elections, we are also prioritizing the health, safety, and welfare of the personnel who will participate in the election through enough financial assistance since we are still in the middle of the pandemic,” dagdag niya.

Tuloy-tuloy rin ang pagkikipag-ugnayan ng DepEd sa Commission on Elections, Philippine National Police, at Armed Forces of the Philippines para sa kaligtasan ng mga electoral board members at voters sa panahon ng eleksyon.

Kasabay nito, hinimok ni Briones ang mga DepEd personnel at mga estudyante na rehistradong botangte na lumahok sa May 9 polls. RNT/ JCM