Higit 6K COVID cases naitala mula Hunyo 25 ‘gang Hulyo 1

Higit 6K COVID cases naitala mula Hunyo 25 ‘gang Hulyo 1

July 1, 2022 @ 6:12 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Pumalo na sa kabuuang 3,705,649 ang kabuuang kaso ng coronavirus disease sa bansa hanggang Hulyo 1, 2022.

Base sa weekly confirmed COVID-19  cases mula Hunyo 25 hanggang Hulyo 1, mayroong 6,399 na bagong kaso ng COVID-19.

Sa aktibong kaso na kasalukuyang naka-admit  o isolate ay umabot na sa 8,706  kung saan 140 ang critical at severe.

Habang 8,566 naman ang asymptomatic, mild at moderate.

Sa mga itinuturing na resolved cases kasama na ang recoveries at deaths na nasa 99.77 percent ay umabot na sa 3,696,943 dahil sa karagdagang 3,819.

Ang top regions na may mga bagong kaso ng COVID-19 mula June 25 hanggang July 1 ay   kinabibilangan ng NCR, at mga rehiyon sa 4A, 6, 3,7.

Ang top areas naman ng mga bagong kaso ay ang Quezon City, Cavite, Manila, Makati at Laguna. Jocelyn Tabangcura-Domenden