P3 dagdag-pasahe sa PUJ sa buong bansa hirit ng transport groups

June 28, 2022 @1:48 PM
Views:
19
MANILA, Philippines- Isinusulong ng ilang transport groups ang P3 provisional increase sa minimum fare sa passenger jeepneys sa buong bansa sa gitna ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Kabilang sa P3 provisional increase ang P1 hike sa minimum fare na iginawad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa passenger jeepneys sa Metro Manila, Central Luzon at Region IV, para sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal Quezon) at Mimaropa (Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon and Palawan).
Sa petisyong inihain sa LTFRB ng limang transport groups, isinusulong nila ang implementasyon sa buong bansa ng P1 provisional increase mula sa LTFRB noong Hunyo 8 para Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa at Central Luzon, kabilang na ang P2 provisional increase sa lahat ng public utility jeepney (PUJs) sa buong Pilipinas.
Inihain ang petisyon ng 1UTAK, Pasang-Mada, ALTODAP at ACTO.
“And with the implementation of wage hikes nationwide for the benefit of ordinary workers, it is only fitting for PUJ operators to be treated with equal measure of justice and solicitude and be granted the desperately needed additional minimum fare increase in order to give PUJ drivers and workers a fighting chance to earn a decent income higher than at least the minimum wage,” saad sa petisyon.
Matatandaang naiulat na ilang transport operators at drivers ang napilitang magtigil-pasada dahil halos lahat ng kinikita nila umano ay napupunta lamang sa gasolina. RNT/SA
Mas maraming benepisyo para sa solo parents, aarangkada sa bagong batas

June 28, 2022 @1:36 PM
Views:
14
MANILA, Philippines- Makatatanggap ba ang solo parents ng mas maraming benepisyo, karagdagang work leave, scholarship at cash subsidy, sa ilalim ng bagong batas.
Ito ay alinsunod sa Republic Act (RA) No. 11861, nag-aamyenda sa ilang probisyon ng RA 8972, na nag-“lapse into law” noong Hunyo 4, na magbibigay-daan sa mas pinalawig na pribilehiyo sa solo parents sa Pilipinas.
Sa ilalim ng bagong panukala, bibigyan ang isang solo parent ng parental leave na hindi lalagpas sa pitong araw, “in addition to leave privilege under existing laws,” na “forfeitable and noncumulative”. Dapat ibigay ang bagong pribilehiyo solo parent kahit ano pa ang kanyang employment status sa kondisyong anim na buwan na siyang nagta-trabaho sa isang kompanya.
Samantala, rekisitos naman sa Department of Education, Commission on Higher Education o Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na magbigay ng scholarship programs para sa kwalipikadong solo parents at “full scholarship” sa isa sa kanyang mga anak, na 22-anyos pababa at nananatiling dependent.
Para naman sa isang solo parent who na kumikita ng minimum o mas mababa sa minimum wage, makatatanggap siya ng P1,000 cash subsidy kada buwan, hangga’t hindi siya benepisyaryo ng anumang cash assistance program, maliban para sa senior citizens.
Ang solo parent na kumikita ng hindi lalampas sa P250,000 kada taon ay bibigyan ng 10 porsyentong discount at value-added tax exemption sa gatas ng bata, food at micronutrient supplements, diapers, mga gamot at medical supplies mula sa pagkasilang ng kanyang anak hanggang sa tumuntong ito sa anim na taon.
Pinoprotektahan din ang solo parents ng batas laban sa work discrimination at automatic health insurance program sa ilalim ng Philippine Health Insurance Corportation para sa isang solo parent.
Kinikilala ang isang solo parent sa panukala “as someone who has a sole parental care of a child or children due to: rape, death or criminal conviction of a spouse, legal or de facto separation from a spouse, abandonment.”
Ang isang magulang na may asawang overseas Filipino worker kabilang sa low and semi-skilled worker category na halos isang taon na sa ibang bansa, ang legal guardian na mag-isang sumusuporta at buntis na walang katuwang pregnant sa pagbibigay ng parental care ay itinuturing ding solo parent. RNT/SA
Kagawad utas sa riding-in-tandem; tanod sugatan!

June 28, 2022 @1:24 PM
Views:
24
QUEZON, Dead on the spot sa pinangyarihan ng krimen ang isang barangay kagawad, samantalang isang barangay tanod ang sugatan nang pagbabarilin ng isa sa dalawang lulan ng motorsiklo habang nagsasagawa ng clean and green project sa Barangay Masalucot 3 bayan ng Candelaria.
Kinilala ang biktimang nasawi na nagtamo ng tama ng isang bala sa dibdib mula sa kalibre 45 pistol na si Mario Mendoza, nasa hustong gulang, barangay kagawad, samantalang kasalukuyan namang ginagamot ang barangay tanod sa pinakamalapit na hospital matapos na tamaan ng ligaw na bala sa paa na si Boy Evangelista, pawang naninirahan sa nabanggit na lugar.
Base sa inisyal na report ng Candelaria PNP ganap na alas-6 ng umaga habang abala sa paglilinis ng kanal ang nasawi (biktima) kasama ang tanod at volunteers sa kanilang lugar nang bigla umanong paputukan ang nasabing kagawad nang malapitan ng isa sa dalawang sakay ng motorsiklo kung saan ang pangalawang putok ay tumama sa tanod.
Sa isinagawang pagsisiyasat ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen at CCTV napansin na tatlong beses nagpabalik-balik ang mga suspek kung saan nagsasagawa nang paglilinis ng kanal ang mga biktima na sinamantala ng mga suspek .
Napag-alaman na , walang alam na kaaway o nakagalit ang nasawi ,maliban umano sa pagsasabong nito, samantalang patuloy ang imbestigasyon ng Candelaria PNP para sa ikadarakip ng dalawang tumakas na salarin. Ellen Apostol
Pagliyab ng Bohol fastcraft posibleng nagsimula sa engine room – PCG

June 28, 2022 @1:12 PM
Views:
26
MANILA, Philippines- Inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Martes na batay sa inisyal na imbestigasyon, maaaring nagsimula ang sunog sa isang astcraft vessel sa Bohol mula sa engine room.
Sinabi ni PCG spokesperson Commodore Armand Balilo na patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente.
“Sa initial inquiry ayon sa kapitan at crew, mukhang sa engine room na naman po nagsimula itong sunog na nangyari dito sa fastcraft,” aniya.
Matatandaang nagliyab ang fastcraft na MBCA Mama Mary Chloe sakay ang 157 pasahero at walong crew sa dagat sa pagitan ng Tugas at Tilmobo Islands sa Bohol.
Isa ang nasawi sa insidente, habang 164 ang nakaligtas. RNT/SA
‘Salamat, PRRD!’ — Bong Go

June 28, 2022 @1:00 PM
Views:
27