Higit 70 denied party-lists ‘di umabot sa Comelec raffle

Higit 70 denied party-lists ‘di umabot sa Comelec raffle

December 13, 2021 @ 7:30 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Tanging 30 lamang sa 107 rejected party-list groups ang maaaring iapela ang kanilang kaso sa Supreme Court (SC) upang makalahok sa raffle ng Commission on Elections (Comelec) sa Martes.

Ito ay kasunod ng pag-amin ng poll body nitong Lunes na ilalabas pa nito ang individual resolutions ng mahigit 70 party-lists na ibinasura ang akreditasyon.

“This morning, I think the office of the clerk has released at least 30 resolutions… They’re working on the remaining 70. We hope to be able to release that today,” pahayag ni Comelec spokesman James Jimenez sa isang press briefing. 

Ilang party-list groups ang nag-alinlangan na iapela ang pagtanggi sa kanila ng Comelec para sa Halalan 2022 sa SC, nang hindi inilalabas ang Comelec resolution kung saan nabanggit ang dahilan sa pagbasura sa kanilang akreditasyon.

Sa pagpalya ng Comelec na ilabas ang karamihan sa mga resolusyon bago ang raffle,  malabo nang maka-apela ang party-lists mula sa SC. 

Nauna nang italaga ng Comelec ang Disyembre 10 bilang petsa ng raffle na tutukoy sa ballot placement ng party-list groups sa Halalan 2022. 

Subalit sinuspinde ito ng Comelec upang bigyan ng pagkakataon ang 107 rejected party-lists na makakuha ng status quo ante order mula sa SC at makibahagi sa raffle.

Iginiit naman ng Nurses United party-list na “Comelec deprived our nurses of the opportunity to participate in the 2022 national elections as a party-list.”

“There is glaring weakness of the party-list system and Comelec guidelines in evaluating genuinely marginalized party-lists and nominees who truly belong to the sector they represent,” dagdag pa nito.

Ayon kay Jimenez, walang napag-uusapan ukol sa paglilipat ng raffle para sa party-list placements.

“If they feel that they have been disadvantaged, they have avenues for redress,” aniya. RNT/SA