Higit 700 centenarian sa bansa, ‘di pa nabibigyan ng P100K

Higit 700 centenarian sa bansa, ‘di pa nabibigyan ng P100K

September 25, 2022 @ 1:59 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – 704 sa 1,704 na mga centenarians sa bansa ang hindi pa nakakatanggap ng P100,000 cash gift.

Ang P100,000 cash gift ay mandato ng Republic Act No. 10868 o 2016 Centenarians Act.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development, dahilan kung bakit marami pa ang hindi nabibigyan ng cash gift kahit naabot na ng mga ito ang 100-taong kaarawan ay dahil sa kakulangan ng pondo.

“P70.4 million is needed for the 704 unfunded and wait-listed centenarians,” ani House senior citizens panel chair Rep. Rodolfo Ordanes nitong Sabado, Setyembre 24.

Ngayong taon, ang mga centenarian ay patuloy pa ring naghihintay ng cash gift o nasa waiting list. RNT/JGC