Higit 700 PDLs na inilikas sa bagyong Paeng nakabalik na sa Rizal BJMP facility

Higit 700 PDLs na inilikas sa bagyong Paeng nakabalik na sa Rizal BJMP facility

October 31, 2022 @ 10:14 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Mahigit 700 persons deprived of liberty (PDLs) ang ligtas na nakabalik sa Bureau of Jail Management and Penology’s (BJMP’s) Rizal jail facilities kasunod ng paglikas nitong Sabado dahil sa Tropical Storm Paeng.

Batay sa ulat nitong Linggo, sinabi ni Rizal BJMP warden Jail Superintendent Alvin Gavan na ipinag-utos ng lokal na pamahalaan na ilikas ang PDLs sa pagtaas ng water level isa malapit na ilog dahil sa malakas na ulan.

“May directive na si Mayor na maglikas na ‘yung mga nasa gilid [ng ilog] kasi nasa 21 [meters] something na ‘yung tubig sa ilog,” paglalahad ni Gavan.

Mahigit 600 kalalakihan at mahigit 100 kababaihan na preso ang inilikas, base sa ulat.

Subalit, inamin ni Gavan, na hindi madali ang paglikas at pagbabalik sa mga preso dahil kinakailangang tiyakin ang seguridad.

“Anytime pwedeng may makatakas, may mag-attempt na i-rescue sa amin. Kulang ang CR, walang higaan kundi sa lapag at mayroon tayong mga PDL na may mga sakit lalo na ‘yung mga matatanda na,” sabi niya. RNT/SA