Higit 700 turista mula NCR Plus agad dumagsa sa Boracay

Higit 700 turista mula NCR Plus agad dumagsa sa Boracay

June 6, 2021 @ 11:53 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Mukhang nasabik ang mga turista mula sa National Capital Region Plus bubble na pumasyal at maligo sa dagat, dagdagan pa ng init ng panahon, kaya agad na dinagsa ang pinakasikat na isla ng Boracay sa unang Sabado ng Hunyo.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines, umabot ng 718 turista, kabilang ang 10 sanggol ang bumyahe papuntang Boracay.

Dagdag pa ng CAAP n apitong flights ang may lulan sa mga ito at lumapag sa Caticlan Airport.

Lahat umano sila ay diretsyong Boracay.

Matatandaang pinayagan na ng gobeyrno ang pagbyahe ng mga indibidwal mula National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified GCQ.

Wala na itong age restriction basta negatibo sa COVID-19 test at susunod sa alituntuning inilatag ng LGU.

Ayon naman sa Department of Tourism, ang mga menor de edad at senior citizen ay kailangang dumaan sa RT-PCR test-before-travel requirement. RNT