Higit 71.4M Pilipino fully vaccinated na – DOH

Higit 71.4M Pilipino fully vaccinated na – DOH

July 20, 2022 @ 4:30 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Mahigit 71.4 milyong Pilipino ang ganap nang nabakunahan kontra COVID-19 ayon sa Department of Health (DOH).

Sa face-to-face media forum ng DOH ngayong Miyerkules, sinabi ni Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire na 9.6 milyon adolescents din at 3.9 milyong mga bata ang kumpleto na sa bakuna.

Samantala, mahigit 6.7 milyong senior citizens ang nabakunahan na.

“More  than 15.7  million individuals are already part of the vaccinated and up to date population and more than 1.1 million have received their 2!d booster shots” ayon pa kay Vergeire.

Ang nasabing datos ay hanggang nitong July 19 anu Vergeire. Jocelyn Tabangcura-Domenden