Higit 7,200 indibidwal apektado ng Bulkang Taal

Higit 7,200 indibidwal apektado ng Bulkang Taal

March 31, 2022 @ 12:30 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Umabot na sa 7,237 indibidwal o 2,047 pamilya ang kabuuang bilang ng mga apektado ng pag-alburoto ng Bulkang Taal habang nakasailalim ito sa Alert Level 3.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mula sa 18 barangay sa Batangas ang mga apektadong indibidwal.

Sa kasalukuyan ay 4,165 indibidwal o 1,209 pamilya ang nananatili sa 20 evacuation center, habang 1,952 indibidwal o 500 pamilya ang nakikituloy sa ibang lugar.

Nagbigay naman ang pamahalaan ng P1,235,295 na tulong sa mga apektadong pamilya, kabilang ang food pack, ayon sa NDRRMC. RNT/SA