Higit 7M botante inalis sa talaan ng Comelec

Higit 7M botante inalis sa talaan ng Comelec

March 31, 2022 @ 2:47 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Mahigit pitong milyong botante ang na-deactivate o napawalang-bisa ang rehistrasyon para sa halalan sa Mayo 9, 2022.

Ayon sa Comelec, kabilang rito ang nasa 7,229,493 mga botante na bigong makaboto sa nakalipas na dalawang magkasunod na eleksyon.

Inalis din sa listahan ang 2,718 na mga botanteng idineklarang may problema sa pag-iisip at walang kakayahang makapagdesisyon.

Aabot naman sa 3,993 ang excluded sa pagboto base sa utos ng korte habang 536 ng nabigyan ng pinal na sentensiya ng hukuman na makulong na hindi bababa ng isang taon.

Bukod dito, mayroon ding 755,769 na mga botante ang inalis sa talaan ng Comelec dahil sa pagkamatay kung saan kabilang rito ang mga nasawi dahil sa COVID-19. RNT/ JCM