Higit 80 patay sa Pakistan mosque blast

Higit 80 patay sa Pakistan mosque blast

January 31, 2023 @ 6:12 PM 2 months ago


PAKISTAN – Patay ang mahigit 80 katao at sugatan ang 150 iba pa sa nangyaring pagsabog sa isang mosque sa northwestern Pakistan.

Nangyari ang pag-atake Lunes ng hapon, Enero 30 kasabay ng isang afternoon worship service sa provincial capital ng Peshawar na malapit sa Afghan border.

Sa magdamag, siyam na katawan ang narekober sa gumuhong pader at bubong ng mosque.

“This morning we are going to remove the last part of the collapsed roof so we can recover more bodies, but we are not hopeful of reaching any survivors,” Bilal Ahmad Faizi, a spokesperson for the rescue organization 1122, ayon sa AFP.

Sinabi ni Muhammad Asim Khan, tagapagsalita ng malaking ospital sa Peshawar, na 83 ang nasawi dito at posible pang tumaas dahil marami pa ang mga narerekober na bangkay sa pinangyarihan ng pagsabog.

“Terrorists want to create fear by targeting those who perform the duty of defending Pakistan,” saad sa pahayag ni Prime Minister Shehbaz Sharif sa nangyaring insidente.

Kinondena naman ni UN Secretary-General Antonio Guterres ang pagpapasabog sa mosque at nagpaabot ng pakikiramay sa tinawag niyang, “horrific attack” si US Secretary of State Antony Blinken.

Wala pang grupo ang umaako sa nangyaring pag-atake. RNT/JGC