Higit 80,000 pasahero bumyahe sa mga pantalan-PCG

Higit 80,000 pasahero bumyahe sa mga pantalan-PCG

December 18, 2022 @ 9:32 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa kabuuang 45,721 outbound passengers at 35,554 inbound passengers ang namonitor ng Philippine Coast Guard (PCG) sa lahat ng pantalan sa buong bansa hanggang nitong Sabado.

Sa pinakahuling update ng PCG, nasa 425 vessels at 680 nang motorbancas ang kanilang nainspeksyon.

Inaasahan na tataas pa ang bilang ng mga pasahero na gagamit ng sea transportation ngayong holiday season na sinasamantala na ring makapagbakasyon sa kani-kanilang pamilya.

Upang mapanatili ang kaayusan ,kaligtasan at seguridad ng mga pasahero , nagdeploy ng 2,180 frontline personnel ang PCG sa 15 PCG districts habang nagpapatuloy ang heightened alert sa buong bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden