Higit 80M COVID jabs naiturok na sa mga Pinoy- NTF

Higit 80M COVID jabs naiturok na sa mga Pinoy- NTF

November 28, 2021 @ 11:48 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sa kasalukuyan ay aabot na sa mahigit 80 milyong anti-coronavirus jabs  ang naibabakuna ng gobyerno sa mga Pilipino simula noong umpisahan ang national vaccination program noong Marso 1, ayon sa National Task Force against COVID-19 nitong Linggo.

Batay sa datos noong Nobyembre 26 mula sa National Vaccination Operations Center (NVOC), sinabi ng NTF na nasa 35,391,519 Pilipino ang fully vaccinated na sa kabuuang 80,613,849 doses na naipapamahagi.

Base pa sa NTF, kumakatawan ang 35,391,519 fully vaccinated na indibidwal sa 45.88 vaccine eligible population ng bansa.

Nito lamang Biyernes ay nakapagbakuna ng 1,010,869 COVID-19 vaccine doses.

Nauna nang ianunsyo ni NTF chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na ang kasalukuyang vaccination rate sa bansa ay maaari nang makapagbigay ng “sense of normalcy” sa mga Pilipino.

“As we move closer to hitting our target of fully vaccinating 54 million Filipinos by the end of the year, I appeal to our local government units to continue ramping up their vaccination throughput,” dagdag pa ni Galvez..

Ayon sa NTF, nasa 141,606,240 COVID-19 vaccine doses mula sa iba’t ibang manufacturer ang dumating na sa bansa. RNT/SA