Higit 87K jeepney drivers nakatanggap na ng fuel subsidy- Landbank

Higit 87K jeepney drivers nakatanggap na ng fuel subsidy- Landbank

March 19, 2022 @ 12:30 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng state-run Land Bank of the Philippines nitrogen Sabado na halos 87,500 drayber ng jeep sa buong bansa ang nakatanggap na ng fuel subsidies na nagkakahalaga ng P6,500 kada isa mula sa pamahalaan sa unang linggo ng pamamahagi ng cash aid sa gitna ng serye ng pagtataas sa presyo ng langis.

Sinabi ng Landbank na sa pakikipagtulungan sa Department of Transportation (DOTr) at sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), umabot na sa P569 milyon ang naipamahaging ayuda sa Pantawid Pasada cash cardholders sa ilalim ng Fuel Subsidy Program hanggang nitong Huwebes.

“Landbank is one with the National Government in providing immediate support interventions to PUV drivers to weather the impact of the fuel price surge. We are working closely with the DOTr and LTFRB to complete the distribution of the fuel subsidy to all beneficiaries nationwide at the soonest time possible,” ani Landbank president at CEO Cecilia Borromeo.

Bukod sa mga drayber ng jeep, kabilang din sa benepisyaryo ng Fuel Subsidy Program ang mga drayber ng UV Express units, minibuses, buses, shuttle services, taxis, tricycles, at iba pang full-time ride-hailing at delivery services sa buong bansa. RNT/SA