Higit 91M balota sa 2023 BSKE kukumpletuhin sa Pebrero

Higit 91M balota sa 2023 BSKE kukumpletuhin sa Pebrero

January 6, 2023 @ 2:05 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakikita ng Commission on Elections na matatapos ang pag-imprenta ng 91 milyong balota para sa Barangay at Sangguniang Kabataang Elections o BSKE sa ikalawang linggo ng Pebrero.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, halos kumpleto na ang lahat ng materyales para maipadala sa ibat-ibang lugar sa bansa ng mas maaga sa eleksyon sa Oktubre 30.

Noong Martes, Enero 3 ay sinabi ni Garcia na ipagpapatuloy ng poll body ang pag-imprenta ng BSKE ballots bago ang katapusan ng Enero o pagkatapos maimprenta ang balota para sa special elections sa ikapitong distrito ng Cavite.

Inulit din ni Garcia na handa ang poll body na magsagawa ng 2023 BSKE kung magdesisyon ang Korte Suprema na isagawa ito ng mas maaga.

Ipinagpaliban ang October 2016 barangay at SK polls noong Oktubre 2017 ngunit ipinagpaliban ito sa Mayo 2018, na muling na-reset nitong Disyembre 2022. Jocelyn Tabangcura-Domenden