Higit 9K free Wi-Fi sites target ng DICT sa 2023

Higit 9K free Wi-Fi sites target ng DICT sa 2023

September 21, 2022 @ 7:32 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Target ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na magtayo ng mahigit 9,000 libreng Wi-Fi sites sa buong bansa sa 2023.

Ito ang sinabi ni Undersecretary for ICT Industry Development Jocelle Batapa-Sigue kung saan plano nilang magdagdag pa ng 3,273 karagdagang Wi-Fi sites sa susunod na taon mula sa 3,055 active sites nitong Agosto.

β€œBy the end of fiscal year 2023, we will hit a total of 9,224 free Wi-Fi sites and public places across the country,” ani Sigue kasabay ng pagdinig ng Senado sa proposed budget ng ahensya sa susunod na taon.

Sa ilalim ng National Expenditure Program sa 2023, mayroong P7.232 bilyon pondo ang inilaan sa DICT.

P6.249 bilyon sa mga ito ay mapupunta sa Office of the Secretary, P347.672 milyon sa cybercrime investigation and coordination center (CICC), P200.179 milyon sa National Privacy Commission at P438.765 milyon sa National Telecommunications Commission.

Dagdag pa ni Batapa-Sigue, higit 1,000 sa mga karagdagang Wi-Fi sites ay ilalagay sa Luzon at Visayas samantala 500 naman ang itatayo sa Mindanao.

Sa kabila nito, malayo pa rin ang nabanggit na bilang sa pangako ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na 250,000 Wi-Fi access points bago matapos ang termino nito. RNT/JGC