Higit 9K kukuha ng bar exams sa Nobyembre

Higit 9K kukuha ng bar exams sa Nobyembre

October 31, 2022 @ 4:06 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Aabot sa kabuuang 9,916 law graduates ang inaasahan na kukuha ng 2022 Bar examinations mula Nobyembre 9, 13, 16 at 20.

Ang bar exams ay isasagawa sa 14 na local testing centers (LTCs) sa buong bansa.

Ayon kay Atty. Brian Keith F. Hosaka, chief ng public information office (PIO) ng Supreme Court, sa kabuuang 10,075 law graduates na nag aplay, 159 dito ang umatras.

Muling pinayuhan sng mga examinees ni Associate Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa, chairperson ng 2022 Bar examinations committee na palagiang imonitor ng mga examinees ang kanilang Bar PLUS dashboard para makita ang kanilang pinal na magiging testing center.

Sinabi ni Caguioa na ang lahat ng venue assignments ay pinal na at hindi na papayagan ang mga requests para sa pagpapalit ng venue. Teresa Tavares