Higit kalahati ng world population, magiging obese/overweight sa 2035 – ulat

Higit kalahati ng world population, magiging obese/overweight sa 2035 – ulat

March 3, 2023 @ 12:00 PM 4 weeks ago


LONDON- Mahigit kalahati ng populasyon ng mundo ang magiging overweight o obese sa 2035, ayon sa bagong ulat.

Sa pagtataya ng World Obesity Federation’s 2023 atlas, 51% ng mundo, o mahigit 4 bilyong indibidwal, ang magiging obese o overweight sa susunod na 12 taon.

Tumataas ang rate ng obesity partikular sa mga bata at sa lower income countries, base sa ulat.

Inilarawan ang datos bilang “clear warning”, sinabi ni Louise Baur, presidente ng World Obesity Federation, na kailangan na itong aksyunan ng policymakers para hindi na lumala ang sitwasyon.

“It is particularly worrying to see obesity rates rising fastest among children and adolescents,” pahayag niya.

“Governments and policymakers around the world need to do all they can to avoid passing health, social and economic costs on to the younger generation.”

Napag-alaman sa ulat na maaari pang dumoble ang childhood obesity mula sa 2020 levels, sa 208 milyong lalaki at 175 milyong babae sa 2035.

Subalit, sinabi ng mga may akda na hindi nila ibinabaling ang sisi sa mga indibidwal, subalit nanawagan na tutukan ang societal, environmental at biological factors na nakaaapekto sa kondisyon.

Ginamit sa ulat ang body mass index (BMI) para sa assessments. Alinsunod sa alituntunin ng World Health Organization, ang BMI score na mahigit 25 ay overweight habang kapag lumampas ito sa 30, maituturing na itong obese.

Nonng 2020, 2.6 bilyong indibidwal ang kasama sa mga kategoryang ito, o 38% ng populasyon ng mundo.

Batay pa sa ular, halos lahat ng bansa na inaasahang tataas ang kaso ng obesity sa mga susunod na taon ay ang low o middle-income countries sa Asya at Africa.

Ipiprisenta ang datos sa United Nations policymakers at member states sa susunod na linggo. RNT/SA