Higit P.4M droga nasamsam sa 2 tulak sa Rizal

Higit P.4M droga nasamsam sa 2 tulak sa Rizal

June 23, 2022 @ 12:10 PM 7 days ago


MANILA, Philippines –  S’WAK sa, selda ang dalawang (2) tulak makaraang mahulihan ng 66 gramo ng droga sa anti-illegal drugs operation sa San Mateo, Rizal.

Sa ulat ni P/Maj. Joel Costudio hepe ng Provincial Intelligence Unit (PIU) kay Rizal PNP Provincial Director P/Col. Dominic Baccay, kinilala ang mga nadakip na, sina Lucky Saavedra y Teves, 27 anyos alyas “Luck” residente ng Salamat St., Matahimik Compound, Brgy., Ampid ll at Rodsan Amparo y Baluyot, 32 anyos kapwa pusher nakatira sa No. 4B Kalayaan St., Ampid l, kapwa ng San Mateo Rizal.

Ayon kay P/Lt. Jackson Aguyen ng Rizal-PIU operatives, dakong 4;45 ng madaling araw June 22, nasakote nila sa anti-drugs operation ang 2 suspek sa Gen. Luna Highway, Brgy., Ampid-1 sina Lucky at Rodsan matapos makatanggap ng impormasyon na lantaran ang pagtutulak sa lugar.

Nakumpiska sa mga ito ang 11 transparent plastic sachet containing white crystalline substance suspected shabu na nasa 66 grams at nagkakahalaga ng P448, 800.00 pesos, buybust money at mga shabu paraphernalia.

Dagdag ni Aguyen, nadakip ang dalawang suspek sa pinaigting na kampanya kontra droga na “Pabili Nga Po”. Rene Tubongbanua