Higit P.5M shabu nakuha sa 2 suspek sa Maynila

Higit P.5M shabu nakuha sa 2 suspek sa Maynila

September 28, 2022 @ 2:22 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Swak sa kulungan ang dalawang hinihinalang ‘tulak’ ng illegal na droga na miyembro umano ng Sputnik Gang sa isinagawang buy-bust operation sa Malate, Maynila ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Manila Police District.

Ayon sa ulat ni Police Lt. Col. Salvador Tangdol, commander ng MPD Malate Police Station 9, alas 11:40 ng gabi nang ikasa ang operasyon sa kahabaan ng Mother Ignacia Street malapit sa Pres. Quirino Avenue sa Malate, Manila.

Nagpanggap na poseur buyer ang isang pulis na bibili ng shabu sa halagang P7,000.

Nang magpositibo ang ginawang transaksyon, agad na kumilos ang mga operatiba para madakma ang dalawang suspek.

Narekober sa kanila ang limang plastic sachets na shabu na nasa 75 gramo at may street value na P510,000.

Kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 Article ll o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden