Higit P1.1M shabu nasamsam sa 2 tulak sa Laguna

Higit P1.1M shabu nasamsam sa 2 tulak sa Laguna

August 9, 2022 @ 5:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Humigi’t kumulang sa P1.1 milyon ang halaga ng nakumpiskang hinihinalang shabu sa dalawang umano’y drug dealer ng ipinagbabawal na gamot sa isinagawang buy-bust operation kaninang madaling araw sa Calamba, Laguna. theplanetvoice.com

Kinilala ang dalawang suspek na sina Mirsuari Diveda y Darang Jr., alyas Carding, 24, at Makikarim R. Sabuyogan , alyas Maku, 18, pawang residente ng Barangay Looc Calamba City.

Base sa report ng Calamba City Police Station kay P/Col Cecilio Ison Jr., Provincial Director ng Laguna PNP, dakong alas-3:03 ng madaling araw nang magsagawa ng anti-drug buy-bust operation ang mga tauhan ng Calamba City PNP, matapos na magpanggap na posuer buyer ang pulis sa halagang P2,000 kapalit umano ng droga, kung saan mabilis na inaresto sa akto ang dalawang suspek.

Nakumpiska sa buy-bust operation sa suspek na si Darang Jr. ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 165 gramo na nagkakahalaga ng humigi’t kumulang sa P1,122,000, samantalang narerkober din ang buy-bust boodle money kung saan nakuha kay Sabuyogan ang halagang P500 na hinihinalang pinagbentahan ng droga.

Napag-alaman na ang suspek na si Darang Jr .ay nasa talaan ng drug watchlist PNP at kabilang sa high value individual, samantalang si Sabuyogan ay nasa street level individual, kung saan ang dalawang suspek ay kapwa nakapiit ngayon sa Calamba City Police Station at nakatakdang sampahan ng kasong illegal drug trade.

“Despite our intensified campaign against illegal drugs ay may mga nahuhuli pa rin tayo na mga drug dealers. This means they are real enterpreneurs who know the business, customers, competition, money, and survival; nevertheless, we assure that their arrest will be irresistible dahil ang kampanya kontra droga ay hindi lang sa kapulisan nakasalalay kundi katuwang ng kapulisan ang komunidad na kanilang ginagalawan,” ayon kay Col. Cecilio Ison Jr. Ellen Apostol