Higit P1.4B ayuda naipamahagi na sa Odette victims – DSWD

Higit P1.4B ayuda naipamahagi na sa Odette victims – DSWD

February 17, 2022 @ 12:55 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Pumalo na sa mahigit P1.4 bilyong halaga ng tulong/ ayuda ang ipinalabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga pamilya at indibiduwal na apektado ng bagyong Odette.

Sinabi ni DSWD Secretary Rolando Bautista, nakatuon kasi ang pansin ng departamento na tiyakin na “food is available” para sa mga biktima ng bagyong “Odette” hanggang sa ang mga ito ay ma-classify bilang fully recovered mula sa bagyo na tumama sa bansa noong nakaraang Disyembre 16.

“It is the government’s top responsibility to provide quality and immediate relief assistance to guarantee food stability during trying times and catastrophes. We are giving away what we have to make sure that no one goes hungry,” ayon kay Bautista sa isang mensahe.

Ang DSWD ay isa sa mga “member agencies” ng Inter-Agency Task Force on Zero Hunger na nangunguna sa fifth key result area para tiyakin ang “sustainable food systems, resiliency and food stability for emergencies.”

Sa nagpapatuloy na isinasagawang assessment nito, may 116,000 katao ang nananatili sa evacuation centers o nakikitira sa kanilang host families — kamag-anak o kaibigan, May walong linggo na simula nang rumagasa at manalasa ang bagyong Odette sa central at southern regions.

Samantala, may kabuuang 3,024,398 pamilya o 10,993,939 katao ang apektado ng bagong “Odette” sa 10,131 barangays sa Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Central Mindanao, Mimaropa, at Caraga. Kris Jose