Higit P1.7B droga nasabat; 2 Tsino binitbit

Higit P1.7B droga nasabat; 2 Tsino binitbit

July 4, 2022 @ 7:15 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nasabat ang nasa mahigit P1.7 bilyon halaga ng iligal na droga at binitbit din ang dalawang Chinese national sa isinagawang operasyon sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City at Cavite

Kinilala ng pulisya ang mga naaresto na sina Cai Jia Zhu alyas Andon Chua, 41 ng Durian St., Cuevas Ville Subdivision, Molino III, Bacoor, Cavite; at Hai Lin, 41 ng Abida Residences Santa Catalina Molino-Paliparan Road, Dasmarinas City, Cavite

Nabatid na dakong alas 11:30 ng umaga nang nagsagawa ng buy bust operation sa Maria Clara St., Banawe Quezon City at Blk 19, Lot 13, Phase 3, Fullana St. Cor. Soriano St., Avida Residences Santa Catalina, Molino-Paliparan rd. Dasmariñas, Cavite ng pinagsamang puwersa ng PDEA Intelligence Service, PDEA IV-A Cavite PO, PDEA PDEA RONCR-SDO, PDEA RO-NCR SIU North, TF NOAH, Team Navy, PDEG IFLD, Dasmariñas CPS, at Cavite PPO-PDEU-PIU na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawa.

Tinatayang aabot sa 40 kilos ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa Quezon City o P272 milyon ang halaga habang 220 kilos o P1.496 bilyon o kabuuan na 260 kilis o P 1.768 bilyon.

Nakuha mula sa mga suspek ang isang Toyota Corolla,Android Phones, drivers License at  vaccination card. Margie Bautista