Higit P100K pekeng paracetamol nasabat  

Higit P100K pekeng paracetamol nasabat  

January 19, 2022 @ 8:25 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Higit P100,000 halaga ng pekeng tableta ng paracetamol ang nakumpiska ng awtoridad habang inaresto naman ang isang delivery rider.

Base sa pulisya nakatanggap sila ng reklamo mula sa isang biktima sa Caloocan na nagkaroon ng rashes matapos na mainom ang pekeng gamot na binili sa isang motorcycle rider.

Giit umano ng biktima na napilitan siya na rito bumili dahil sa kakulangan ng stock sa mga drugstore.

Dahil dito, nagsagawa ang Caloocan police ng “test buy” kung saan nasamsam ang mga pekeng gamot.

Matapos ito, nagsagawa ang Northern Police District ng operasyon sa Quezon City kung saan naaresto nila ang rider na may dalang P100,000 halaga ng pekeng paracetamol tablets.

Sa kabilang banda, sinabi ng suspek na hindi kanya ang mga gamot at inatasan lang siya na magdeliber nito.

“May botika nga siya sabi naman niya sakin wala naman daw safe naman daw,” ayon sa delivery rider.

Tinutunton na ng pulisya ang pinakasuplayer ng pekeng gamot.

Nakiusap naman ang kapulisan na tiisin ang mahabang pila sa mga botika para makabili ng orihinal na gamot. RNT