Higit P10B halaga ng droga, sinira sa Cavite

Higit P10B halaga ng droga, sinira sa Cavite

July 27, 2018 @ 4:54 PM 5 years ago


 

Cavite – Ipinakita sa publiko ng Philippine Drugs Enforcement Agency o PDEA ang pagsira ng nasa 10.4 bilyong pisong halaga ng droga, mga sangkap at mga gamit sa paggawa ng ipinagbabawal na gamot sa The Integrated Waste Management, Inc. (IWMI) sa Barangay Aguado, Trece Martires City, Cavite.

Pinangunahan ni PDEA Director General Aaron N. Aquino ang panlimang seremonya sa sampung buwan nitong panunungkulan at itinuturing na pinakamalaking halaga ng droga at gamit na sinira sa kasaysayan ng ahensiya.

Kabilang sa mga sinira sa thermal decomposition ang nasa mahigit isang milyong gramo ng shabu; marijuana; ephedrine; cocaine; diazepam; ecstasy; amphetamine; cocaine + levamisole; cocaine + levamisole + phenacetin; methyl-ephedrine; dimethylamphetamine; dimethyltryptamine at mga expired na medisina; 4,444 litro ng liquid shabu; 12,750 ml. ng liquid cocaine at 5 ml. ng toluene.

Kasama rin sa seremonya ang mga kinatawan mula sa Department of Justice, Department of Interior and Local Government at lokal na pamahalaan ng Trece Martires. (Remate News Team)