Higit P110K ‘shabu’ kumpiskado sa Cainta

Higit P110K ‘shabu’ kumpiskado sa Cainta

October 6, 2022 @ 1:09 PM 6 months ago


MANILA, Philippines- Arestado ang 36-anyos na suspek sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Cainta MPS sa Kabisig Brgy. San Andres, Cainta Rizal dakong alas sais medya ng gabi, Oktubre 4, 2022.

Kinilala ni PCOL Dominic L. Baccay, Provincial Director ng Rizal PPO at iniulat kay PBGEN Jose Melencio C. Nartatez, Jr., Regional Director PRO4A ang suspek na si Jake Suriaga y Nicanor, residente ng nasabing barangay.

Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation na may koordinasyon sa PDEA 4A sa nasabing lugar na kung saan isang alias “Jake” ang nasa likod ng bentahan ng ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto ng nasabing suspek at pagkakakumpiska ng walong piraso ng HSTPS na may timbang sa humigit kumulang 15 gramo na nagkakahala ng P102,000.

Ipinaalam ang mga karapatan ng naarestong suspek alinsunod sa Miranda Doctrine gayundin sa Anti-Torture Law. Kasunod nito, isinagawa ang aktwal at pisikal na imbentaryo ng mga nakumpiskang ebidensya sa lugar ng insidente sa presensya ng mga nasabing suspek at nasaksihan ng Brgy. Kagawad at Media Representative pagkatapos ay naitala sa pamamagitan ng Alternative Recording Device (ARD) na may kaugnayan sa Section 21 ng RA 9165.

Ang suspek kasama ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Rizal Provincial Forensic Unit, Hilltop, Taytay, Rizal para sa nararapat na laboratoryo at drug test examinations at kalaunan ay dinala sa Cainta Custodial Facility. Rene Tubongbanua