Higit P139M undeclared agri products nakumpiska ng BOC

Higit P139M undeclared agri products nakumpiska ng BOC

January 1, 2023 @ 11:02 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Iniulat ng Bureau of Customs (BOC) nitong Sabado, Disyembre 31 na umabot na sa mahigit P139 milyon halaga ng undeclared agricultural products ang kanilang nakumpiska sa serye ng mga operasyon mula Disyembre 27 hanggang 29.

Ayon sa BOC, ang mga kargamento na naglalaman ng mga undeclared goods ay dumating mula China sa pagitan ng Nobyembre 27 hanggang Disyembre 3 sa Manila International Container Port (MICP) at nakapangalan sa consumer goods trading company sa Alabang, Muntinlupa.

Nasabat ng mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service sa MICP (CIIS-MICP) ang sari-saring hindi deklaradong pula at puting sibuyas, frozen ox tripe, frozen barbecue at frozen crawfish.

Ani Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, ang mga smuggled agricultural products na ito ay labis na nakaaapekto sa lokal na industriya ng agrikultura.

“Bringing a hot commodity like onions into our borders without going through the proper procedures is an affront to our farmers, the people who make sure we have enough supply of it,” aniya. RNT/JGC