Higit P14B iligal na droga sinira ng PDEA

Higit P14B iligal na droga sinira ng PDEA

June 2, 2022 @ 4:12 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nasa P14.29 bilyon  halaga ng iligal  na droga ang sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na isinagawa sa Intergrated Waste Management Incorporated (MWMI) na matatagpuan sa  Barangay Aguado, Trece Martires City, Cavite kaninang umaga.

Sa Consolidated Report ng PDEA Laboratory Service, kabilang sa pinakamalaking dami ng nawasak na droga at ang  Methamphetamine Hydrochloride o shabu, Marijuana, at  MDMA o Ecstasy.

Ang ginawang pagwasak sa iba’t ibang illegal na droga ay alinsunod na rin sa  Republic Act 9165, o  ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at  Dangerous Drugs Board Regulation No. 1, Series of 2002.

Ang mga piraso ng ebidensya ng droga ay winasak sa pamamagitan ng thermal decomposition o thermolysis na bumabagsak sa mga kemikal na compound sa paggamit ng napakalaking init kung saan  nasa 1,000 degrees centigrade at ang lahat ng mapanganib na droga ay ganap na nabubulok o nasira.

Pinuri naman ni PDEA Director General Wilkins  Villanueva ang iba’t ibang sangay ng Regional Trial Courts (RTCs) para sa mabilis na pag-uusig at disposisyon sa mga kaso ng droga.

Aniya, hindi na kailangan ng iligal na droga dahil ang ebidensya sa korte ay agad na nakatakdang sirain.

Sinaksihan ang pagwasak ng mga droga ng mga  opisyal ng PDEA, PNP Office-in-Charge PLTGEN Vicente Danao Jr., mga lokal na opisyal ng Barangay Aguado, Trece Martires City, mga kinatawan mula sa Philippine National Police (PNP) at iba pang Law Enforcement Agencies (LEA’s), Department of Justice (DOJ), Department of the  Interior and Local Government (DILG),  mga non-government organization (NGOs) at media partners. Jan Sinocruz