Higit P173M ‘shabu’ nasabat sa QC

Higit P173M ‘shabu’ nasabat sa QC

August 24, 2022 @ 12:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nasamsam ng mga awtoridad nitong Miyekules ng umaga ang mahigit 25 kilo ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa Quezon City.

Batay sa ulat, ikinasa ang ang buy-bust operation ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Quezon City Police District (QCPD) sa may FPJ Avenue.

Nakapaloob umano sa mga teabag ang aabot sa 25.5 kilo ng shabu at itinago ang mag ito sa sako ng bigas.

Tinatayang aabot sa P173,400,000 ang kabuuang halaga ng droga.

Sinabi ni QCPD Director Police Brigadier General Nicolas Torre III na malakihan ang operasyon ng suspek na nagdi-distribute ng droga hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa ibang probinsiya.

Nanggaling pa umano sa ibang bansa ang droga, batay sa ulat. RNT/SA