Higit P1B educ’l aid naipamahagi na

Higit P1B educ’l aid naipamahagi na

September 18, 2022 @ 10:35 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Pumalo na sa mahigit P1 bilyong piso ang naipamigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga indigent na estudyante.

May kabuuang P1,033,610,800 na education assistance ang naipamahagi sa bansa mula Agosto 20 hanggang nitong Setyembre 17, 2022.

Tinatayang may 414,482 estudyante ang nakinabang mula sa programa kabilang na ang 136,349 college students, 58,502 senior high school, 92,856 junior high school, at 126,775 elementary students.

Nito lamang Setyembre 10, inanunsyo ng DSWD na isinara niya ang online application para sa educational assistance program para sa indigent students bunsod ng mataas na volume ng aplikasyon laban sa limited available funds. Kris Jose