Higit P1M damo, nasamsam sa 2 tulak sa Taytay

Higit P1M damo, nasamsam sa 2 tulak sa Taytay

June 23, 2022 @ 6:40 PM 2 days ago


MANILA, Philippines- Kumpiskado ng mga awtoridad sa dalawang (2) tulak ang 16 kilo ng marijuana na higit isang milyon ang halaga sa Taytay Rizal.

Sa ulat ni Rizal PNP Provincial Director P/Col. Dominic Baccay kay P/BGen. Antonio Yarra, Calabarzon-4A Regional Director, kinilala ang mga nadakip na sina Jomar Vergara at Edgardo Claudio alyas “Barry” kapwa high value target at naninirahan sa lungsod ng Antipolo.

Dakong alas-4:15 ng madaling araw nitong Huwebes nang masakote ang dalawang tulak ng Provincial Intelligence Unit at Drug Enforcement Unit (PIU-DEU) ng grupo ni P/Lt. Daniel Solano sa Melendez Subd., Brgy., Dolores Taytay.

Ayon kay P/Maj. Joel Custodio, hepe ng Provincial Intelligence Unit nakumpiska nila kina Vergara at Claudio ang 16 kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P1,600,000 sa isinagawang anti-drug operation.

Nabatid ng pulisya na talamak umano ang bentahan ng droga sa lugar kaya’t isinagawa ang tatlong linggong surveillance bago ang buybust na ikinadakip ng mga ito.

Tinuran pa ng pulisya, hightect na umano ang transaksyon sina Vergara at Claudio sa kanilang mga parokyano na via online gamit ang online payment channels tulad ng gcash/smart padala at iba pa.

Nakapiit na ito sa detentuon cell ng pulisya at nakatakdang sampahan ng paglabag sa Anti Dangerous Drugs Act of 2022 (RA 9165).

Pinuri naman ni PCOL Baccay ang naging matagumpay na operasyon ng PIU at naninindigan ito na ang mga kapulisan ng Rizal ay lalong magsisigasig upang mahuli ang mga taong patuloy na tumatangkilik at nagbebenta ng iligal na droga dito sa probinsya ng Rizal. Rene Tubongbanua