Higit P1M expired na karneng baboy, baka nasabat ng PCG

Higit P1M expired na karneng baboy, baka nasabat ng PCG

December 9, 2022 @ 5:50 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG)ang mga expired na beef shank at frozen pig snout sa Tondo, Maynila.

Ayon sa PCG, katuwang ng kanilang personnel ang Coast Guard K9 Force nang masabat ang nasabing mga kontrabando sa San Pedro Street, Tondo, Manila.

Tinatayang aabot ito sa mahigit-kumulang P1 milyon.

Nagbabala naman sa publiko ang PCG at iba pang kinauukulan na huwag tangkilikin ang mga ganitong produkto na bagama’t mura pero hindi tiyak na ito ay ligtas sa kalusugan.

Ngayong papalapit na ang Pasko, aasahan na marami pa ang mga smuggled na frozen meat at mga expired nang ibinibenta sa merkado kaya naman pinag-iingat ng ahensya ang publiko.

Pinayuhan din ang mga ito na maging mapanuri sa kanilang mga binibiling mga karne sa palengke o sa iba pang pamilihan. Jocelyn Tabangcura-Domenden