Higit P1M na shabu nasabat sa pier sa Negros

Higit P1M na shabu nasabat sa pier sa Negros

September 15, 2022 @ 2:37 PM 2 weeks ago


NEGROS OCCIDENTAL – Arestado ang isang lalaki matapos mahulihan ng ilegal na droga sa Bredco Port Roro Passenger Terminal, Reclamation Area, Bacolod City, Negros Occidental.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nasa 150 gramo ng methamphetamine hydrochloride o mas kilala bilang shabu ang nakumpiska na may market value na P1.02 milyon.

Kinilala naman ang naaresto na si Marcial Delos Santos, residente ng Barangay Caingin, Iloilo City.

Katuwang ng PCG ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA at Philippine National Police (PNP) sa operasyon.

Kakasuhan ng paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposisyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden