Higit P1M puslit na sigarilyo nasabat sa Zambales

Higit P1M puslit na sigarilyo nasabat sa Zambales

July 13, 2021 @ 1:27 PM 1 year ago


Zambales – Nakumpiska ng mga awtoridad ang mahigit isang milyong pisong halaga ng pekeng sigarilyo sa ikinasang buy-bust operation sa Zambales-Tarlac Road sa Botolan kahapon.

Tinatayang nasa 30 kahon o 305 ream ng iba’t ibang counterfeit brands ng sigarilyo tulad ng Two Moon, Mighty at Fortune na aabot sa P1,195,400.

Nakuha ito sa loob ng dalawang van habang naaresto ang mag-asawang sina Joryson Tawatao, 43 at Melody Tawatao, 41 maging ang kasama nilang sina Marlon Garcia, 42 at Felipe Valdez, 39.

Kasalukuyang na sa kustodiya na ng Botolan Municipal Police Station ang apat at mahaharap sa kasong paglabag sa intellectual property rights. RNT/FGDC