Higit P1M shabu nasabat sa Angeles City

Higit P1M shabu nasabat sa Angeles City

July 20, 2021 @ 8:20 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nasamsam ang nasa P1.7 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust sa Angeles City, Pampanga, kahapon.

Tinatayang 250 gramo ang bigat ng nasabat na kontrabando sa Jaoville Compound, Barangay Pandan.

Kaugnay nito, limang suspek ang nahuli ng mga awtoridad.

Sa ngayon ay inaalam na kung konektado ang mga suspek sa iba pang drug syndicate na posibleng nag-o-operate sa Angeles. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •