Higit P1M shabu nasabat sa Quezon

Higit P1M shabu nasabat sa Quezon

January 4, 2023 @ 3:23 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nasabat ng mga awtoridad ang mahigit P1 milyon halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Lucena City, Quezon umaga ng Miyerkules, Enero 4.

Ayon kay Lieutenant Colonel Ericson Roranes, Lucena City police chief, arestado ang isang high-value drug personality na kinilala sa pangalang “Lorebeth” at kasamahan nito na si “Edward” nang makapagbenta ito ng P5,000 halaga ng shabu.

Maliban dito, nakumpiska sa mga suspek ang nasa 36 na sachet ng illegal na droga na tumitimbang ng 153 gramo at nagkakahalaga ng P1,057,080.

Posibleng aabot pa ng P3,125,280 ang street value nito kung maibebenta ng P20,400 kada gramo.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang pinagkukuhanan ng droga ng dalawa, na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC