Higit P2 tapyas sa gas, diesel, kerosene kasado sa Agosto 9

Higit P2 tapyas sa gas, diesel, kerosene kasado sa Agosto 9

August 8, 2022 @ 11:03 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Naglabas ng anunsiyo ang mga kompanya ng langis sa bansa hinggil sa muli nilang pagpapatupad ng malakihang bawas presyo sa kanilang mga produktong petrolyo na magiging epektibo bukas.

Batay sa inilabas na abiso ng mga kompanya ng langis na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum magpapatupad ng dagdag presyo na P2.10 sa kada litro ng gasolina habang bawas presyo naman na P2.20 sa kada litro ng diesel at P2.55 sa kada litro ng kerosene epektibo alas-6 ng umaga.

Magpapatupad din ng bigtime oil price rollback sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) na magiging epektibo alas-12:01 ng madaling araw habang ang kompanyang Cleanfuel ay magiging epektibo alas-8:01 ng umaga.

Ang ipatutupad na malakihang bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Matatandaan na nito lamang nakaraang linggo ay nagpatupad ng dagdag presyo na P0.75 sa kada litro ng gasolina habang bawas presyo naman na P0.60 sa kada litro ng diesel at P0.75 sa kada litro ng kerosene. JAY Reyes