Higit P2M shabu nasamsam sa bisita ng preso

Higit P2M shabu nasamsam sa bisita ng preso

July 11, 2022 @ 3:36 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Hindi bababa sa 350 gramo ng hinihinalang crystal meth o shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P2.38 milyon ang nasamsam mula sa isang babae na tinangkang ipuslit ang illegal substance sa loob ng National Bilibid Prison, ayon sa Southern Police District (SPD) nitong Lunes.

Sinabi ni SPD director Brig. Gen. Jimili Macaraeg na ang suspek na kinilalang si Raquel Zuñiga, 33, ng Tatalon, Quezon City, ay naaresto matapos magsagawa ang Inmate Visitation Service Unit (IVSU) ng Bureau of Correction (BuCor) ng body-search sa lahat ng mga preso at bisita sa Maximum Security Compound nitong Linggo ng tanghali.

Sa naturang pagkapkap, namataan ng BuCor officers ang apat na tape-sealed na puting sobre na abwat isa ay naglalaman ng plastic bag na may lamang hinihinalang shabu.

Ayon sa mga pulis, naghahanda na sila ng reklamo laban sa suspek sa paglabag sa Section 11 Article II ng Republic Act No. 9165 sa Prosecutor’s Office.

“The campaign on illegal drugs is our top priority. We will continue our partnerships with the BJMP and BuCor to strengthen our drive to prevent all opportunities for traffickers to continue peddling drugs,” giit ni Macaraeg. RNT/SA