Higit P3.41B pondo para sa Pinoy scholar sa tech-voc institution, ipinalabas ng DBM

Higit P3.41B pondo para sa Pinoy scholar sa tech-voc institution, ipinalabas ng DBM

February 16, 2023 @ 3:12 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nagpalabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng mahigit P3.410 bilyon para pondohan ang edukasyon ng mga Pilipinong estudyante sa technical vocational institutions.

Sa pahayag nitong Huwebes, inaprubahan ni DBM said Secretary Amenah Pangandaman nitong Miyerkules ang special allotment release order (SARO) para sa pagpapalabas ng pondo sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa implementasyon ng Universal Access to Quality Tertiary Education (UAQTE) Act.

Sasaklawin ng SARO at ng Notice of Cash Allocation (NCA) ang halaga ng tertiary education para sa lahat ng mga Pilipinogn estudyante na sa technical vocational institutions na rehistrado sa ilalim ng TESDA, base sa DBM.

“The best investment for the youth of our country is education. Malaking tulong po ang Universal Access to Quality Tertiary Education sa ating mga mag-aaral. This will ensure that no Filipino student is left behind,” ani Pangandaman.

Idinagdag niya na ang pagpapalabas ng pondo ay isa sa mga inisyatiba ng pamahalaan para palakasin ang mga Pilipino, at binanggit na ang Marcos administration “puts a high premium on the education of Filipinos and human capital development.”

Anang DBM, saasaklawin ng P3.410 bilyon na chargeable sa regular budget ng TESDA sa 2023, ang tuition fees, miscellaneous fees, accident insurance, trainee provision, health/protective equipment, internet allowance, starter tool kits, national assessment fees at iba pang school fees ng mga benepisyaryo para sa taon.

Sinabi nito na maytroong 54,783 target beneficiaries ang TESDA para sa UAQTE program 2023 na ikakasa sa pamamagitan ng Diploma Programs sa buong bansa. RNT/SA