Higit P3.4M shabu kumpiskado sa Naga City buy-bust

Higit P3.4M shabu kumpiskado sa Naga City buy-bust

June 25, 2022 @ 1:45 PM 1 month ago


LEGAZPI CITY- Inaresto ng mga pulis ang isang drug suspect at nasabat ang tinatayang P3.4 milyong halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Naga City nitong Biyernes ng gabi.

Sinabi ni Police Master Sergeant Tobias Bongon, Naga City police spokesperson, na naaresto si Cherylle Eleria, 46, sa Barangay Bagumbayan Sur bandang alas-9:45 ng gabi 

Sinabi ni Bongon na bumili ang isang undercover agent ng limang gramo nh shabu na nagkakahalaga ng P34,000 mula kay Eleria.

Matapos ang pag-aresto, na-rekober din nf anti-narcotics team ang isang plastic bag na naglalaman ng 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng tinatayang P3,400,000 at dalawa pang sachet o isang gramo na nagkakahalaga ng P6,800.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/SA