Higit P3.6M shabu nasabat sa Naga City buy-bust

Higit P3.6M shabu nasabat sa Naga City buy-bust

December 13, 2022 @ 1:42 PM 2 months ago


LEGAZPI CITY- Nalamabat ng mga pulis ang tatlong high-value drug suspects at narekober ang mahigit P3.6 milyong halaga ng shabu (crystal meth) sa buy-bust operation nitong Martes sa Naga City sa Camarines Sur.

Sinabi ni Police Senior Master Sergeant Tobias Bongon, Naga City police spokesperson, batay sa report na isang Benjamin Fernandez, 35; Melrose Del Rosario, 35; at kanyang asawang si Lolito, 40, ang naaresto kaninang alas-5:40 ng umaga sa pagbebenya ng 50 grams ng shabu sa halagang P150,000 sa Barangay Concepcion Pequeña.

Nakumpiska rin ang kabuuang 530 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P3,604,000 mula sa mga suspek.

Ayon kay Bongon, binitbit ang mga suspek sa police station para sa tamang disposisyon. Mahaharap sila sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/SA