Higit P30 kada kilong bigas, mas posible-Villar

Higit P30 kada kilong bigas, mas posible-Villar

August 4, 2022 @ 8:44 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Hindi mangyayari na maging P20 ang kada kilo ng bigas sa bansa dahil lubhang malulugi ang magsasaka, ayon kay Senador Cynthia Villar.

Sa panayam, sinabi ni Villar, chairman ng Senate committee on agriculture na hindi mangyayari na maging P20 lamang ang bawat kilo ng bigas sa bansa na pinapangarap ng gobyerno.

“Hindi. Kasi ang cost natin P11.50. To convert it into rice, times two. P11.50 so P23… Paano ‘yung pagtransport, ‘yung kita ng farmers, and all that? So siguro reasonable P30 plus,” ayon kay Villar.

Isa sa ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., noong kampanya na gagawin nyang P20 ang kada kilos ng bigas na kalaunan, sinabi nitong pangarap lamang ito.

Sinabi ni Villar na hindi dapat sa bigas lamang nakatuon ang pamahalaan bagkus silipin ang produksiyon ng gulay at iba pang produkto bilang panlabas sa namimintong krisis sa pagkain sa bansa.

“But I see it sa Philippines, hindi nila masyadong ine-emphasize ang vegetable ‘di ba. Ang emphasis rice,” ayon kay Villar.

“But rice production in the Philippines is not as competitive [because] Vietnam can produce rice at P6 per kilo,” giit niya. Ernie Reyes