Higit P300K shabu nasabat sa Rizal; 4 tiklo

Higit P300K shabu nasabat sa Rizal; 4 tiklo

December 30, 2021 @ 10:04 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Arestado ang apat na indibidwal sa ikinasang buy-bust operation ng  Rizal Police Provincial Office sa bayan ng Cardona, Rizal.

Naganap ang transaksyon sa Barangay Looc kung saan nagbenta ng P1,000 shabu ang mga suspek.

Kinilala naman ang mga suspek sa kanilang alyas na sina Angie, Jon, Devina at Jay-r.

Samantala, nakumpiska rin dito ang siyam na pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P374,000.

Mahaharap naman ang apat sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. RNT/FGDC