Higit P3M halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa dalawang bebot

Higit P3M halaga ng hinihinalang shabu, nasabat sa dalawang bebot

July 16, 2018 @ 5:46 PM 4 years ago


Cavite – Arestado ang dalawang babae sa buy bust operation sa Dasmariñas Cavite na kinilalang sina Jamila Sultan Alonto alyas “Gemma Jose” at Lanie Jarique Garcia.

Ayon kay Cavite Police Provincial Director, Police Senior Superintendent William M. Segun, narekober sa mga suspek ang aabot sa P3.3 milyong halaga ng 300 gramo ng hinihinalang shabu, P1000 bills na marked money at isang sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 150 gramo.

Isinagawa ng Cavite Police Provincial Intelligence Branch (PIB) ang operasyon alas-4:30 kahapon, Hulyo 15, sa pangunguna ni Supt. Agosto P. Daskeo sa Blk. 49 Lot 11 Waling-Waling St., Brgy Datu Esmael kung saan na nadakip ang dalawang babae matapos ang tip ng isang impormante.

Ang mga naaresto ay hawak na ng Cavite Police Provincial Office in Camp Gen. Pantaleon Garcia in Imus City, Cavite at nahaharap sa kasong criminal sa paglabag sa Article 5, 11 at 26 ng RA 9165. (Remate News Team)