Higit P400K ukay-ukay, nasamsam ng PCG

Higit P400K ukay-ukay, nasamsam ng PCG

December 13, 2022 @ 2:24 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nasa P410,000 halaga ng mga ukay-ukay na damit at sapatos sa lalawigan ng Sorsogon.

Ayon sa PCG, nasa 31 bale ng ukay-ukay na damit at 10 bales ng sapatos ang nai-turn over na sa Bureau of Customs.

Sakay umano ng isang pampribadong vann ang mga ukay-ukay at ibibiyahe patungo sa Maynila nang masabat ito ng mga tauhan ng PCG pagsapit ng Matnog, Sorsogon.

Sinabi ng PCG na nagpalabas na ang BOC ng Warrant and Seizure Order (WSD) laban sa mga ukay-ukay dahil sa paglabag sa RA 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act.

Isa rin umano itong paglabag sa RA 4653 na nagbbawal sa pagpasok sa “used clothings” sa Pilipinas para mapanatili ang dignidad ng bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden