Higit P426M jackpot sa Ultra Lotto 6/58 ‘di pa rin napapanalunan

Higit P426M jackpot sa Ultra Lotto 6/58 ‘di pa rin napapanalunan

November 19, 2022 @ 11:41 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Hindi pa rin napapanalunan ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 na nagkakahalaga ng P246,887,208.80.

Ito ay makaraang wala ulit na tumama sa isinagawang pagbola nitong Biyernes ng gabi, Nobyembre 19.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), sinabi na ang winning combination sa Ultra Lotto 6/58 draw ay 53-07-16-42-15-24.

Inaasahan naman sa darating na Linggo ang sunod na draw para dito.

Samantala, wala ring tumama sa kasabay nitong draw na Megalotto 6/45 sa winning combination na 33-26-01-29-03-23, na may premyong 23,037,019.80. RNT/JGC