Higit P5 milyon inilabas ng DSWD para sa mga apektado ng sama ng panahon

Higit P5 milyon inilabas ng DSWD para sa mga apektado ng sama ng panahon

July 21, 2018 @ 11:18 AM 4 years ago


Manila, Philippines – Mula kahapon, nakapagpalabas na ang Department of Social Welfare and Development ng P5,083,760 halaga ng tulong para sa mga Local Government Unit sa mga apektadong rehiyon.

Kasunod ito ng paglobo ng bilang  ng mga apektadong pamilya dahil sa malakas na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon o Hanging Habagat.

Ayon kay DSWD OIC Secretary Virginia Orogo, pinakamaraming naapektuhang pamilya ay mula sa Region 3 na abot sa 40,637 pamilya.

Kabilang dito ang 18,163 pamilya mula sa Bataan; 14,893 sa Pampanga; 7,295 sa Bulacan at ang iba ay mula sa Tarlac at Zambales.

Nasa 39,126 pamilya o 166,322 indibidwal naman ang naapektuhan sa sa Regions III at 6.

Nanatili naman ang koordinasyon nito sa mga LGUs sa Regions 6 , National Capital Region at CALABARZON para sa probisyon ng relief assistance. (Remate News Team)