Higit P524K shabu nasabat sa Bicol buy-bust

Higit P524K shabu nasabat sa Bicol buy-bust

March 19, 2023 @ 12:20 PM 4 days ago


MANILA, Philippines – Naaresto ng mga operatiba ang limang suspected drug personalities kasabay ang narekober na mahigit P524,000 halaga ng shabu sa magkakahiwalay na operasyon sa Bicol region.

Ayon kay Lieutenant Colonel Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol police sa ulat nitong Sabado, Marso 18, nakapagbenta ang suspek na si Rene Bermejo, 45-anyos, ng sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P4,500 sa isang undercover agent sa isang hotel sa Barangay Tagas, Daraga, Albay.

Ani Calubaquib, nasa 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000 ang nakumpiska kay Bermejo.

Sa bayan naman ng Pili, Camarines Sur, naaresto rin ang mga suspek na sina Dante Listana, 64; Paola Siar, 41; at Ariel Listana, 34, sa Barangay La Purisima kung saan narekober sa mga ito ang 11 sachet o 11 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P183,000.

Ani Domingo, si Dante ay isang high-value target sa illegal na droga sa drugs watch list ng rehiyon.

Samantala, sa bayan ng Minalabac, naaresto ang suspek na si Nores Santillan, 21, sa Barangay Antipolo matapos mahulihan ng dalawang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P1,360 mula sa mga suspek.

Mahaharap ang mga nahuli sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC