Higit P5B iligal na droga sinira ng PDEA

Higit P5B iligal na droga sinira ng PDEA

January 20, 2022 @ 1:32 PM 7 months ago


Manila, Philippines — Sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa mahigit P5 bilyong iligal na droga at iba pang paraphernalia.

Sinabi ni PDEA Director General Wilkins Villanueva na sinira ang P5.36 bilyong iligal na droga sa waste management facility sa Trece Martires City, Cavite.

Ginamitan ito ng thermal decomposition o thermolysis, paraan ng decomposition o pagsira ng mga kemikal sa pamamagitan ng init.

Nilinaw ni Villanueva na mayroong delay sa disposal ng mga nasabat na iligal na droga sa kanilang inventory dahil sa pandemya.

 “However, dahil nga dito kay COVID-19 na ito, talagang nahihirapan tayo dahil most of the time last year, sarado ang ating mga korte at napipigilan tayo magkaroon ng ocular inspection.”

Sa kabila ng kinakaharap na pandemya, sinabi ni Villanueva na nakatuon ang PDEA sa clearing ng kanilang inventory ng mga nasabat na iligal na droga bago pa matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“That’s what I promise before the end of the administration of our President.” RNT/FGDC