Higit P6 big time oil price rollback asahan sa sunod na linggo

Higit P6 big time oil price rollback asahan sa sunod na linggo

July 8, 2022 @ 5:17 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Good news para sa mga motorista dahil maaaring asahan sa susunod na linggo ang malakihang malakihang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Sinabi ng oil industry source posibleng matapyasan ng P6.30 hanggang P6.50 per liter ang presyo ng diesel.

Nasa P5.70 hanggang P5.90 per liter naman ang posibleng mabawas sa presyo ng gasolina.

Kinumpirma din naman ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, ang posibleng malakihang oil price rollback.

Sa pagtatayan ng DOE posibleng bababa ng P4 hanggang P6 per liter ang maaaring mabawas sa mga produktong petrolyo.

Ang mga itinuturong dahilan sa malaking tapyas sa presyo ay ang lockdown sa Shanghai, China, interest hikes sa iba’t ibang bansa, at banda ng recession na makakaapekto sa demand sa langis.

Karaniwang opisyal na inaanunsyo ng mga oil company ang price adjustments sa Lunes at ipatutupad sa Martes. RNT